^

Probinsiya

Krimen isiniwalat dahil nakonsiyensya

-
CAVITE – Pinaniniwalaang nakonsiyensya sa nasaksihang pagpaslang laban sa mag-ama kaya isiniwalat kamakalawa ng nag-iisang testigo kung saan ibinaon ang isang 9-anyos na babae sa Barangay Longos, Bacoor, Cavite may ilang buwan ang nakalipas.

Matapos na pag-aralan ang salaysay ni Rolly Cuares ay tinungo ng mga tauhan ng pulis-Bacoor at SOCO team ang pinaglibingan ng biktimang si Reynalyn Gomez.

Base sa rekord ng pulisya, si Reynalyn kasama ang sariling ama na si Rey Gomez ay pinaslang sa loob ng kanilang bahay ng mga suspek na sina Joey Gadil at Dennis Devana na kapwa residente ng nabanggit na barangay noong pang Disyembre 9, 2005.

Sa ulat ng pulisya, pinatay sa saksak si Rey Gomez at itinapon ang bangkay nito sa palaisdaan pero agad naman natagpuan kinaumagahan matapos ang krimen.

Samantalang ang biktimang si Reynalyn ay tinangay ng mga suspek at matapos na patayin ay binalot ng itim na plastik ng basura at ibinaon kung saan nahukay ng mga operatiba.

Ayon pa kay Rolly, nagawa niyang itago ang krimen dahil sa pagbabanta ng mga suspek sa kanyang pamilya kung kaya’t tumagal ng may ilang buwan, subalit hindi siya makatiis at ipinagtapat na ang insidente sa mga awtoridad. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BACOOR

BARANGAY LONGOS

CRISTINA TIMBANG

DENNIS DEVANA

JOEY GADIL

LOLIT YAMSUAN

REY GOMEZ

REYNALYN

REYNALYN GOMEZ

ROLLY CUARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with