^

Probinsiya

Putahan sa Zambales protektado ng PNP

-
ZAMBALES – Nagmistulang inutil ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Subic, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at pamunuan ng pulisya laban sa pamamayagpag ng prostitusyon at malaswang panoorin sa mga establisimyento sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga tinukoy na establisimyento na nasa kahabaan ng highway sa Barangay Calapandayan at pinaniniwalaang nagbibigay ng lingguhang tara sa mga kinauukulan para hindi masawata ang lantarang putahan at malalaswang panoorin ay ang Georgetown Disco & Videoke, Pepecaca Superdisco, Curacha, Klub Ma-el, Mama Rose massage parlor, 392 Sesame Street Club, 16-anyos Bar at Hotline Disco.

Kabilang sa mga modus operandi sa nabanggit na establisimyento ay ang pagkakaroon ng pa-raffle na ang premyo ay mga menor-de-edad na kababaihan na maaari nitong iuwi o ilabas ang napanalunang guest relation officer (GRO).

Napag-alamang kumukulekta ng malaking halaga ang mga tauhan ng pulisya at ilang opisyal ng pamahalaan mula sa mga nasabing establisimyento para hindi maabala sa kanilang modus operandi.

Napag-alaman na ilang beses na ring sinalakay ng mga tauhan ng CIDG Regional Office 3 ang mga putahan noong nakalipas na taon dahil na rin sa mga reklamo mula sa mga konsernadong residente, subalit hindi nagtatagal ay muling nagbubukas at patuloy pa rin ang modus operandi ng mga may-ari dahil sa basbas ng mga tiwaling opisyal ng Subic, Zambales.

Sa kabila ng pagkondena at pag-apila kay Mayor Khonghun ng samahan ng mga kababaihan at maging ng simbahang katolika ay bigo pa rin ang naturang alkalde na umaksyon sa kanilang mga hinaing. (Alex Galang)

ALEX GALANG

BARANGAY CALAPANDAYAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GEORGETOWN DISCO

HOTLINE DISCO

KABILANG

KLUB MA

MAMA ROSE

MAYOR KHONGHUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with