2 barangay tanod timbog sa kasong murder
March 2, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Dalawang tanod ng Barangay Sta. Ana sa bayan ng Bulacan, Bulacan ang inaresto ng pulisya kahapon, samantalang dalawa pang barangay tanod ang pinaghahanap dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa isang residente.
Kinilala ni P/Supt. Noli Pacheco, hepe ng pulisya ng bayan ng Bulacan, ang mga inarestong suspek na sina Renante Morelos at Eduardo Marmol, kapwa barangay tanod ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay pinaniniwalaang pangunahing suspek sa pagpatay kay Rodrigo Catungal, isang obrero at residente ng Barangay Sta. Ana na natagpuan ang bangkay noong Pebrero 24.
Ang dalawa pang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ay sina Butch Dela Cruz at Ilo Madlangsakay.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Roberto Bituin, deputy police chief ng nasabing bayan, nagtungo sa bahay ni Catungal ang apat na barangay tanod bandang alas-10:30 ng gabi noong Biyernes, Pebrero 24 dahil sa reklamo sa kanya ng isang fishball vendor.
Nabatid na hindi nagbayad sa fishball vendor si Catungal dahil sa kalasingan.
Makalipas ang ilang oras, may narinig na putok ng baril ang mga kapitbahay ng biktima at kinabukasan, natagpuan ang bangkay ni Catungal na may tama ng shotgun sa likurang bahagi ng katawan.
Base sa ulat, ang mga suspek ang huling namataan ng mga saksi na kasama ng biktima matapos na makarinig ng putok ng baril. Pormal naman sinampahan ng kasong murder ang mga suspek sa piskalya kahapon. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended