Reporter itinumba
January 23, 2006 | 12:00am
MORONG, Bataan Isang 40-anyos na reporter ng lokal na pahayagan at dating dzRH Operation Tulong volunteer ang binaril at napatay ng mga armadong mga kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan kamakalawa ng hapon sa bahagi ng Sitio Panibatuan Barangay Poblacion, Morong, Bataan.
Dalawang bala ng baril sa batok ang tumapos sa buhay ng biktimang si Garciano "Gary" Aquino, 40, may-asawa, manunulat sa pahayang Central Luzon Forum at naninirahan sa Barangay Binaritan sa bayan ng Morong, Bataan.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Arnold Gunacao, deputy provincial director, inupakan ang biktima bandang alas-4:20 ng hapon habang naglalakad kasama ang ilang kaibigan mula sa sabungan.
Napag-alamang dinikitan ng mga armadong kalalakihan ang biktima bago pinuntirya sa batok.
Agad namang nagpulasan ang mga kasamahan ng biktima maging ang mga kasalubong na tao ay nagkanya-kanyang takbuhan papalayo sa crime scene.
Napag-alamang si Aquino ay ikaapat na mamamahayag sa Bataan ang itinumba ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended