Granada: 1 patay, 10 sugatan
January 18, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Nauwi sa trahedya ang masayang sayawan na ikinasawi ng isang senglot na lalaki at ikinasugat naman ng sampung sibilyan makaraang sumabog ang nahulog na granada sa gitna ng kasiyahan sa bahagi ng Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Taurus Gapi na halos nagkalasug-lasog ang katawan matapos tamaan ng shrapnel ng granada, samantalang ginagamot ang mga sugatan.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 12, naitala ang insidente dakong alas-12 ng hatinggabi sa ginanap na sawayan sa Sitio Lubo, Barangay Ned ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, masayang nagsasayawan ang mga bisitang dumalo sa okasyon nang biglang dumating ang senglot na si Gapi na may dalang granada.
Napag-alamang pinagyabang ni Gapi ang granada sa sayawan at habang pinaglalaruan ay biglang nahulog sa sementadong sahig na naging dahilan para sumabog. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended