Mag-utol nabagsakan ng poste, patay
September 13, 2005 | 12:00am
LEGAZPI CITY Naging masaklap na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na paslit makaraang mabagsakan ng poste ng kuryente habang naglalaro na ikinasugat din ng isa pa sa Barangay Agos sa bayan ng Polangui, Albay kamakalawa.
Halos mapisak ang katawan ng mga biktimang sina Ard, 5 at Peter John Ibarrientos, 6, kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, ginagamot naman sa Bicol Medical Center ang malubhang nasugatang si Leo Cortan, 7, kapitbahay ng mag-utol.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na aksidenteng sumabit ang nakalaylay na kable ng kuryente sa Isuzu van (RCA-935) na minamaneho ni Arnold Sabarillo ng Sitio Gitna, Barangay Bignay, Valenzuela City.
Dahil sa lakas ng puwersa ng van ay nakaladkad ang kable hanggang sa maputol ang kalahati ng poste na sumalpok naman sa kasalubong na Hyundai van (EVV-671) na minamaneho ni Antonio Belarde ng Libon, Albay.
Kasunod nito ay aksidenteng nabagsakan ng poste ang mga biktima na naglalaro sa gilid ng naturang lugar na ikinasawi ng mag-utol.
Kasalukuyan namang nasa custody ng pulisya ang drayber ng Isuzu van at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended