^

Probinsiya

1 patay, 11 sugatan sa banggaan

-
DINALUPIHAN, Bataan — Isang limang taong gulang na babae ang kumpirmadong patay samantalang 11 ang nasa malubhang kalagayan matapos na magbanggaan ang isang Isuzu passenger jeep at MMC Van kamalawa sa Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan.

Kinilala ni Bataan Provincial Police Director P/Sr. Supt. Hernando Zafra ang nasawi na si Ronalyn Baltero samantalang ang mga nasugatan naman ay nakilalang sina Lorilyn at Rodrigo Baltero, magulang ni Ronalyn; Melba Vero, Melvin Vero, Salvador Vero, ng Brgy. Sta Rita. Ang mga ito ay pawang lulan ng Isuzu passenger jeep; Genaro Bendo, Licila Calimag, Loida Ilao, Consortion Lopez, Jorge Ilao at Cherry Bernal pawang residente ng Brgy. Mabiga at sakay ng MMC van.

Batay sa report, dakong alas-6:15 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Brgy. Pinulot habang patungong Maynila ang Isuzu passenger jeep na may plate no. CVU-428 na minamaneho ni Salvador.

Bahagyang nasakop nito ang kanang bahagi ng kalsada kung saan papasalubong naman ang MMC van na may plate no. CNT-213 na minamaneho naman ni Bendo na patungo naman sa Olongapo City.

Kapwa wasak ang dalawang sasakyan kung saan namatay si Ronalyn samantalang ang iba pang pasahero ay nagtamo naman ng mga bukol, sugat at bali sa ilang mga bahagi na kanilang mga katawan

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Dinalupihan Municipal Police Station kung sino sa dalawang driver ang may kasalanan at kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa laban dito. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

BATAAN PROVINCIAL POLICE DIRECTOR P

BRGY

CHERRY BERNAL

CONSORTION LOPEZ

DINALUPIHAN MUNICIPAL POLICE STATION

GENARO BENDO

HERNANDO ZAFRA

ISUZU

JONIE CAPALARAN

JORGE ILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with