^

Probinsiya

Itinagong P60-M kontrabando binatikos

-
SUBIC BAY FREEPORT – Kinuwestiyon at binatikos ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ng Subic Bay Freeport ang umano’y pag grandstanding ni Anti-Smuggling Task Force (ASTF) commander at Senior Deputy Administrator for Operations ret. Gen. Jose Calimlim sa pagkakumpiska sa P60 milyong smuggled pre-paid cards sa bodega ng Federal Express (FedEx) noong Martes, Abril 12, 2005

Sa pahayag ng opisyal ng BoC na ayaw ipabanggit ang pangalan, masyado umanong inaangkin ni Calimlim ang pagkumpiska sa naturang mga kontrabando sa kabila na ang Customs personnel ang siyang nakasabat at nakakumpiska sa mga ito.

Idinagdag pa ng opisyal na hindi naging patas si Calimlim sa pagbibigay ng impormasyon, partikular sa mga mamamahayag kaugnay sa naturang operasyon at ang task force lamang ang tanging ibinibida sa mga press releases nito sa kabila ng katotohanang walang naging partisipasyon ang anti-smuggling sa naganap na pagkumpiska sa kontrabando kundi ang mga BoC personnel.

"Ganyan ang ugali ni Calimlim, maski hindi sa kanilang trabaho ay inaako nila para lamang may mai-report lamang siya kay GMA," pahayag ng opisyal.

Nag-umpisang kuwestiyunin at batikusin ng customs official si Calimlim matapos na maglabas ng press release ang task force sa nakumpiskang kontrabando noong Martes ng umaga na labis namang ikinasama ng loob ng ilang mga BoC personnel sa pag grandstanding nito sa kanilang accomplishment.

"Customs Collector Atty. Marietta Zamoranos issued warrant of seizure and detention, on the basis of which the smuggled shipment was seized this morning by Anti-Smuggling Task Force Subic chief Gen. Calimlim and his agents," Ayon sa huling paragraph ng press release ng ASTF. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE SUBIC

BUREAU OF CUSTOMS

CALIMLIM

CUSTOMS COLLECTOR ATTY

FEDERAL EXPRESS

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

MARIETTA ZAMORANOS

SENIOR DEPUTY ADMINISTRATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with