Ama tinodas ng 2 anak
February 6, 2005 | 12:00am
SAN JUAN, Batangas May posibilidad na pambababae ang naging dahilan kaya pinagtulungang barilin ang isang 54-anyos na ama ng kanyang dalawang anak na lalaki sa Sitio Bagong Sikat, Barangay Laiya Ibabaw, San Juan, Batangas kamakalawa.
Kinilala ni Chief Insp. Felix Sarsozo, hepe ng San Juan police station ang biktimang si Lando Alvis ng nabanggit na barangay.
Sa nakalap na impormasyon ng PSN kay SPO1 Petronilo Calderon, may hawak ng kaso, bandang ala-1:45 ng hapon habang gumagawa ng nilupak ang mag-anak nang magsimulang makipagtalo ang biktima sa mga anak nitong sina Leo, 28; at AC Alvis.
Ayon kay Calderon, naging mainitan ang pagtatalo ng mag-aama nang malaman ng mga anak na balak nang kunin ng kanilang ama ang kanilang ari-ariang lupa at owner-type jeep para ibigay umano sa babae nito.
Dagdag pa ni Calderon, matagal nang pinoproblema ng buong pamilya ng Alvis ang nasabing usapin hanggang sa umabot sa madugong pamamaril.
Bandang ala-1:45 ng hapon, sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo nang maglabas ng kalibre .45 baril ang ama upang barilin ang dalawang anak, pero naunahan ito ng putok ni Leo na armado naman ng cal. 30 carbine rifle.
Ayon pa sa imbestigasyon, habang pinapuputukan ni Leo ang ama, sumaklolo rin ang nakababatang kapatid nitong si AC na armado naman ng shotgun at pinaputukan din ang ama.
Dead-on-the-spot ang biktima matapos magtamo ng tatlong tama ng bala ng carbine at dalawa naman mula sa shotgun.
Mabilis na tumakas ang magkapatid matapos ang pamamaril at ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.
Ayon naman sa mga imbestigador, gusto umanong iparating ng dalawang magkapatid sa mga awtoridad na ipinagtanggol lamang nila ang kanilang sarili, kaya umano nila nagawa ang pamamaril. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended