^

Probinsiya

Bus vs kotse: 4 patay, 8 sugatan

-
BAGUIO CITY – Malagim na trahedya ang sinapit ng apat na sibilyan makaraang sumalpok ang sinasakyang kotse ng mga biktima sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng Bussawit Hill na sakop ng Barangay Napo sa bayan ng Magsingal, Ilocos Sur na ikinasugat naman ng walo-katao noong Lunes.

Kabilang sa nasawing biktima ay sina: Juan Ricardo Peidad, 31, ng Barangay 4, Suavit, Batac, Ilocos Norte; Eliza Mabalot, 31, empleyada ng National Food Authority; Elma Barba at Luciana Cayetano na pawang naninirahan sa Barangay 53, Laoag City.

Walo naman pasahero ng bus na nasugatan dahil sa matinding pagkakasalpok ay nakilalang sina: Johnny Castillo, 32, bus conductor at residente ng Barangay Nagpanaoan, Vigan City; Edna Tucayon, 43, ng Barangay Quimmarayan, Santo Domingo, Ilocos Sur; Henry Tabutol Paz, 22 at Calixto Cardenas, 29, na kapwa residente ng Barangay Pado Chico, Santo Domingo; Emelyn Michelle Tacla, 21, ng Barangay Cabaritan, Santo Domingo; Henry Cayabyab, 39, laborer, ng Barangay Bacsil, San Juan, Ilocos Sur, Antonio Suyat, 37 at Rebecca Alones, 32, na kapwa naninirahan sa Barangay Pagburnayan, Vigan City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, bumabagtas ang kotseng Toyota Corolla sa direksyon ng katimugan lulan ang mga nasawing biktima sa kahabaan ng nasabing highway nang mawalan ng kontrol ang drayber na si Piedad dahil sa dulas ng kalsada.

Dito na sumalpok ang kotse sa kasalubong na bus na minamaneho naman ni Raymundo Padron Peralta ng Barangay Lingsat, Bantay, Ilocos Sur.

May teorya naman ang pulisya na naging madulas ang naturang kalsada dahil sa patuloy na buhos ng ulan. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ANTONIO SUYAT

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY

BARANGAY BACSIL

BARANGAY CABARITAN

BARANGAY LINGSAT

BARANGAY NAGPANAOAN

ILOCOS SUR

SANTO DOMINGO

VIGAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with