Radio reporter pa pinaslang
August 13, 2004 | 12:00am
Papatindi pa ang pamamaslang sa mga mediamen matapos na isa na namang reporter ng dzRV Radio Veritas ang natagpuang patay na pinaniniwalaang sadyang itinumba kahapon sa Nagcarlan, Laguna.
Kinilala ang biktima na si Fernando Consignado, 50, hiwalay sa asawa, reporter ng nasabing himpilan ng radio at residente ng Brgy. Abu, Nagcarlan ng nasabing lalawigan.
Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito ng kapitbahay nitong si Faustino Baldovino.
Agad namang inireport ni Baldovino ang insidente sa mga awtoridad na mabilis na nagresponde sa pinangyarihan ng krimen.
Ang bangkay ng biktima ay may tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kanang bahagi ng teynga na siya nitong dagliang ikinasawi.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na bago nadiskubre ang krimen ay nakarinig ng malakas na putok ng baril ang kapitbahay ng biktima.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung sino ang salarin habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
Sa kasalukuyan, lahat ng anggulo ay masusing sinisiyasat ng mga imbestigador kabilang na ang teoryang alitan sa lupain ang motibo ng krimen at maaari rin naman umanong may kinalaman ito sa propesyon ng nasabing biktima.
Ang biktima ay ikalima sa mga mamamahayag na pinaslang ngayong taon.
Matatandaan na kamakailan lamang ay pinaslang ang reporter ng GMA Super Radyo na si Jun Abayon ng bodyguard ni boxing champion Manny Pacquiao sa General Santos City.
Tinambangan at napatay din ang reporter ng Bulgar at dzRH na si Arnnel Manalo ng mga hindi kilalang mga kalalakihan sa Bauan, Batangas noong Agosto 5, 2004. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest