Radio reporter binaril, nakomatos
August 9, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa na naman radio reporter ng dzBB ang binaril sa mukha ng dating kawal ng Phil. Army na pininiwalaang tumatayong alalay ni boxing champion Manny Pacquiao sa General Santos City kahapon ng madaling-araw.
Kasalukuyang nakikipaglaban kay Kamatayan sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Jun Abayon ng RGMA Super Radio na nakabase sa General Santos City at ika-anim na mamamahayag na inatake sa loob lamang ng walong araw.
Base sa ulat, si Abayon ay nakomatos matapos na barilin ng kalibre.45 baril sa kanang bahagi ng mukha ng suspek na si William Bael.
Bandang alas-3 ng madaling-araw nang upakan ang biktima sa loob ng sinasakyang Mitsubishi Adventure na pag-aari ni Gonzalo Lopez.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima na kasama si Bael ay kagagaling lamang sa videoke bar sa naturang lungsod at pauwi ng magkapikunan sa biruan.
Napag-alaman pa sa ulat, na bumababa ng sasakyan ang nairitang suspek at binaril sa mukha ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Kaugnay nito, nagpalabas na ng 36-oras na ultimatum ang pulisya para pasukuin ang suspek.
Sa talaan ng pulisya, tatlong mamamahayag na ang napapatay sa taong ito at ang pinakahuli ay si Arnnel Manalo, provincial correspondent ng Bulgar at dzRH radio na binaril at napatay sa Bauan, Batangas noong Agosto 6, 2004. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest