^

Probinsiya

2 NPA rebels patay sa sagupaan

-
Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang isa namang militiaman ang nasugatan sa naganap na sagupaan sa isang liblib na lugar sa New Corela, Davao del Norte kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Renoir Pascua, AFP-Southcom Spokesman, dakong alas-7:30 ng umaga nang makasagupa ng mga elemento ng Army’s 72nd Infantry Battalion ang may 20 rebelde sa Sitio Tinago, Brgy. Mambing.

Ang sagupaan ay tumagal ng may 3 minuto bago nagsiatras ang mga rebelde.

Ang bangkay ng di pa nakilalang mga rebelde ay narekober sa pinangyarihan ng sagupaan.

Pinaniniwalaan namang ang mga rebeldeng nakasagupa ng tropang gobyerno ay naatasang magsagawa ng surveillance at pag-atake laban sa mga himpilan ng militar sa mga liblib na bahagi ng lalawigan.

Samantala sa lalawigan naman ng Masbate, isang kolektor ng ‘permit to campaign fee’ ng mga rebeldeng NPA ang nahuli ng tropa ng militar sa isinagawang raid sa Poblacion Batuan sa isla ng Ticao kahapon bandang alas-6:30 ng umaga.

Kinilala ang NPA collector sa alyas lamang nitong Ka Ted na hindi na nakapalag sa mga elemento ng Army’s 2nd Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Romeo Cabatic.

Nabatid na nagresponde sa lugar ang mga sundalo matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensiya ni Ka Ted. Nasamsam mula sa mga rebelde ang apat na M16 rifles, isang carbine at mga bala. (Ulat nina Roel Pareño/Ed Casulla)

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

KA TED

NEW CORELA

NEW PEOPLE

POBLACION BATUAN

RENOIR PASCUA

ROEL PARE

ROMEO CABATIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with