3 pasahero natagpuang patay, 7 pa nasagip
December 26, 2003 | 12:00am
Camp Aguinaldo Tatlo katao na kabilang sa 75 pasaherong lulan ng lumubog na ferry boat ang natagpuang patay habang pito pa ang nasagip sa patuloy na rescue operations sa pagitan ng karagatan ng Palawan at Malaysia.
Sinabi ni Phil. Navy Spokesman Commander Geronimo Malabanan na ang apat na survivors na unang nailigtas ay kinilalang sina Hadji Kaisar, 35 anyos; Mallih Iddig, 38; Muddazil Sulkily, 37; Rochelle Dajao, 29 na pawang naisakay na sa kanilang barkong BRP Dagupan matapos iturn-over sa kanila ng Royal Malaysian Navy. Ang mga ito ay nasagip ng mga mangingisdang Malaysian sa karagatan ng Banguey Island malapit sa Sabah kamakalawa.
Gayunman sa kasamang palad ay patay na ng marekober ang isang kasamahan ng naturang mga survivors na kabilang pa rin sa mga pahero ng lumubog na M/L Piary sa karagatan ng Palawan.
Sumunod namang nailigtas ang tatlo pang pasahero na natagpuan sa karagatan ng Bangkalan Island at ngayoy patungo na sa Brooks Point, Palawan.
Dakong 2:45 naman ng hapon nang mamataan ng isang aerial reconnaissance patrol ng Phil. Air Force ang dalawa pang lumulutang na bangkay limang milya buhat sa Banguey Island .
Nabatid naman kay Naval Forces West Commander Commodore Constanciano Jardiniano na 28 pang survivors ang naispatan sa Sibugo, Island, Malaysia at dahil ditoy nakikipagkoordinasyon na sila sa mga awtoridad ng nasabing kaalyadong bansa,
Magugunita na nitong Disyembre 21 ay kasalukuyang naglalayag ang nasabing barko sa pagitan ng karagatan ng Palawan at Malaysia ng mabutas ang unahang bahagi nito hanggang sa pasukin ng tubig at lumubog. (Ulat nina Joy Cantos/Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended