Gobernador ng misamis Oriental sinuspinde
November 15, 2003 | 12:00am
Cagayan de Oro City Animnapung (60) araw na suspensiyon ang ipinataw ng palasyo ng Malacañang laban sa gobernador ng lalawigan ng Misamis Oriental dahilan sa kasong dishonesty at grave misconduct.
Base sa suspension order na nilagdaan ni Executive Secretary Alberto Romulo na may petsang Nobyembre 11, kinilala ang sinuspindeng opisyal na si Misamis Oriental Governor Antonio Calingin.
Ipinaliwanag ni Romulo na ang pagkakasuspinde ni Calingin ay upang maiwasan na maimpluwensiyahan nito ang isinasagawang imbestigasyon laban sa kaniyang kaso na isinampa ni Vice Governor Miguel de Jesus.
Gayunman, hanggang kahapon ng umaga ay wala pa umanong natatanggap na suspension order si Calingin habang nagsipag-picket naman ang mga supporters nito sa tanggapan ng Provincial Farmhouse kung saan ito pansamantalang lumipat dahilan sa isinasagawang pagkukumpuni sa gusali ng Office of the Provincial Governor sa Provincial Capitol.
Magugunita na nagsampa ng reklamo si de Jesus sa Office of the President nitong nakalipas na Oktubre 10 kaugnay ng umanoy kawalan ng katapatan at grave misconduct ni Calingin sa kabiguan nitong maipatupad ang P 25 M expansion program para sa Misamis Oriental Telephone System (MISORTEL) sa Gingoog City na kontrolado ng lokal na pamahalaan. (Ulat ni Bong Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest