Utol ng ex-mayor todas sa kuryente
October 24, 2003 | 12:00am
MANGATAREM, Pangasinan Maagang kinalawit ni kamatayan ang kapatid na lalaki ng dating alkalde makaraang makuryente habang nagkukumpuni ng bombilya sa swimming pool sa Barangay Umangan sa bayang ito noong Sabado ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Lopez Clinic sa Poblacion ang biktimang si Marcial Punzal Jr., 13, 2nd year sa Mangatarem National High School.
Sa naantalang ulat ng pulisya, kinukumpuni ng biktima ang napunding bombilya sa gilid ng kanilang swimming pool nang aksidenteng mahawakan nito ang talop na linya ng kuryente at nagkikisay. Agad naman pinatay ang main switch ng kuryente para maputol ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ng biktima hanggang sa bumagsak ang katawan sa sementadong sahig na walang malay. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended