Mag-asawang Tsinoy trader kritikal sa 3 magnanakaw
September 28, 2003 | 12:00am
SANTO TOMAS, Batangas Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawang Tsinoy trader makaraang barilin at pagsasaksakin ng tatlong hindi kilalang lalaki na pumasok sa warehouse ng mga biktima sa Barangay San Roque sa bayang ito noong Miyerkules ng gabi.
Inoobserbahan sa Saint Cabrini Hospital ang mga biktimang sina Qing Shen Cheng, 45 at asawang si Ang Da Fung, 43, mga tubong mainland China at naging residente ng Barangay San Roque, Sto. Tomas, Batangas.
Ayon sa pulisya, ang lalaki ay binaril sa leeg at katawan, samantala, ang babaeng Tsinoy naman ay nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakapasok ang mga magnanakaw sa likurang bahagi ng warehouse sa pamamagitan ng pagwasak ng pintuan.
Nagawa pang manlaban ng lalaki sa mga maninikwat pero pinutukan ito ng sunud-sunod habang ang babae naman ay tinusok dahil sa aktong manlalaban din.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na narinig ng mga kapitbahay ang alingawngaw ng putok at sigawan sa loob ng warehouse ng mga biktima kaya naipagbigay-alam agad sa pulisya.
Hindi na inabot pa ng mga pulis na nagresponde ang tatlong maninikwat na tumangay ng hindi nabatid na halaga at ibat ibang uri ng mamahaling alahas na pag-aari ng mag-asawa. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended