Informer itinumba ng NPA
September 14, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na lalaki ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima kasama ang kaibigan ay naglalakad papauwi sa Barangay Libertad, Los Arcos Prosperiad, Agusan del Sur kamakalawa.
Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jose Marquita, samantala, ang dalawa sa anim na rebeldeng suspek na inaresto ay nakilalang sina Ronald Lacia at Elvie Halina matapos na magsagawa ng follow-up operation.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame na naitala ang krimen bandang alas-5 ng hapon matapos na harangin ang biktima palabas ng sabungan. (Ulat ni Angie dela Cruz)
DAET, Camarines Norte Maagang kinalawit ni kamatayan ang magkaibigan makaraang sumalpok ang scooter ng dalawa sa sementadong pader sa pakurbadang kalsada sa Purok 2, Barangay Bagasbas, Daet, ng nasabing lalawigan kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang magkaibigang nasawi na sina Kim Labaro, 20, ng Purok 1, Barangay Camambugan at Richie Almaida, 21 ng Purok 2, Barangay Alawihao ng naturang bayan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang dalawa ay lango pa sa alak nang mag-scooter na hiniram lamang ang sasakyan sa kakilalang si James Talento. (Ulat ni Francis Elevado)
MACALELON, Quezon Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 14-anyos na dalagita makaraang halayin ng limang beses ng kapitbahay na tinedyer sa Barangay San Nicolas ng bayang ito noong Setyembre 5 at 11, 2003.
Ang biktimang sinamahan ng ina at ilang barangay tanod na magreklamo sa pulisya ay itinago sa pangalang Maui, samantala, ang suspek na hindi naman ibinunyag ang pangalan dahil sa menor-de-edad ay kasalukuyang nagtatago sa hindi nabatid na lugar.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay inabangan habang nag-iisang naglalakad at dinala sa abandonadong bahay bago isinagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Tony Sandoval)
CAMP CRAME Isang beteranong pulis ang iniulat na niratrat hanggang sa mapatay , samantala, ang kaanak nito ay malubhang nasugatan ng hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay Gregorio, La Paz, Abra kamakalawa ng gabi.
Si SPO1 Francisco Elpa na nakatalaga sa himpilan ng pulisya ng Lacub ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan na ikinasawi nito, samantala, kritikal naman ang kaanak na si Santiago Elpa.
Hindi pa malaman ng pulisya ang motibo ng pamamaslang dahil walang lumutang na testigo sa naganap na krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)
Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jose Marquita, samantala, ang dalawa sa anim na rebeldeng suspek na inaresto ay nakilalang sina Ronald Lacia at Elvie Halina matapos na magsagawa ng follow-up operation.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame na naitala ang krimen bandang alas-5 ng hapon matapos na harangin ang biktima palabas ng sabungan. (Ulat ni Angie dela Cruz)
Kinilala ng pulisya ang magkaibigang nasawi na sina Kim Labaro, 20, ng Purok 1, Barangay Camambugan at Richie Almaida, 21 ng Purok 2, Barangay Alawihao ng naturang bayan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang dalawa ay lango pa sa alak nang mag-scooter na hiniram lamang ang sasakyan sa kakilalang si James Talento. (Ulat ni Francis Elevado)
Ang biktimang sinamahan ng ina at ilang barangay tanod na magreklamo sa pulisya ay itinago sa pangalang Maui, samantala, ang suspek na hindi naman ibinunyag ang pangalan dahil sa menor-de-edad ay kasalukuyang nagtatago sa hindi nabatid na lugar.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay inabangan habang nag-iisang naglalakad at dinala sa abandonadong bahay bago isinagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Tony Sandoval)
Si SPO1 Francisco Elpa na nakatalaga sa himpilan ng pulisya ng Lacub ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan na ikinasawi nito, samantala, kritikal naman ang kaanak na si Santiago Elpa.
Hindi pa malaman ng pulisya ang motibo ng pamamaslang dahil walang lumutang na testigo sa naganap na krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest