^

Probinsiya

14 sugatan sa bomba sa Kidapawan

-
COTABATO CITY – Labing-apat katao kabilang ang isang pulis ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa mataas na gusali at mataong lugar sa Kidapawan City kahapon.

Si SPO4 Herminio Belasa na tinangkang i-defuse ang nadiskubreng bomba ay halos mawasak ang kanang braso dahil sa biglaang pagsabog, samantala, ang katuwang naman ni Belasa na si Dioscoro Renoblas, isang criminology student ay tinamaan naman ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot ang mga biktimang sugatan na sina Mamposa Pahang, Armida Cristobal, Sharmaine Yares, Irene Gacasan Obrador, Gilda Mimbrano, Mary Grace Pacete, Felizardo Siangco, Romy Potobo, Jaime Pedtagara, Mark Angelo Anova, Mary Ann Reyes at isa pang inaalam ang pagkikilanlan.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang walong biktima ay nailigtas sa nasusunog na gusali makaraan ang pagsabog.

Bago pa naganap ang pagsabog, isang trabahador ng LBC ang nakatanggap ng text message mula sa hindi kilalang texter na may iniwang kulay asul na pakete ang nakamotorsiklong lalaki.

Kaagad namang nagresponde ang mga awtoridad at namataan ang bomba na gawa sa incendiary chemical at nakapaloob sa cylindrical container at battery-operated na may delayed blasting device.

Tinangkang i-defuse ni Belasa ang bomba ngunit biglang sumabog.

May teorya naman si North Cotabato Governor Emmanuel Piñol na malaking sindikato ang nasa likod ng pagpapasabog. (Ulat ni John Unson)

ARMIDA CRISTOBAL

BELASA

DIOSCORO RENOBLAS

FELIZARDO SIANGCO

GILDA MIMBRANO

HERMINIO BELASA

IRENE GACASAN OBRADOR

JAIME PEDTAGARA

JOHN UNSON

KIDAPAWAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with