Tindero pinaslang sa loob ng bahay
November 24, 2002 | 12:00am
NAIC, Cavite Tinadtad ng saksak ang isang tindero ng halaman na agad nitong ikinamatay makaraang pagnakawan ng mga hindi nakilalang suspek kahapon ng umaga sa Brgy. Ibao Silangan ng bayang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Joel Salazar, 21, binata, tindero, tubong Mulanay Quezon at residente ng nasabing lugar.
Samantala, mabilis namang nagsitakas ang mga suspek tangay ang mga mahahalagang gamit at pera ng biktima.
Batay sa imbestigasyong isinasagawa ni PO1 Rachel Sierra, may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ni Salazar na naliligo sa sariling dugo sa labas ng kanyang bahay sa Naic Public Market ng nabanggit na lugar.
Nabatid ng pulisya na pinagnakawan muna ang bahay ng biktima bago ito tinadtad ng saksak ng kutsilyo sa likod na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.
Tinangay ng mga suspek ang cellphone, VCD player, karaoke at hindi pa mabatid na cash money ng biktima.
Hinihinala ng pulisya na sa pagitan ng alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw naganap ang pagnanakaw at nang magising si Salazar ay hinabol nito ang mga magnanakaw subalit tinarakan siya ng saksak ng isa sa mga suspek.
Dinala sa Funeraria Mabin ang bangkay ni Salazar upang ma-awtopsiya at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest