^

Probinsiya

7 diskuhan sa Subic na may 'bold shows' ipinasara ni Mayor Khonghun

-
SUBIC, Zambales — Tuluyan nang ikinandado ni Subic Mayor Jeffrey Khonghun ang pitong KTV at diskuhan na napaulat na nagpapalabas ng malalaswang panoorin matapos mailathala ng PSN noong Setyembre 5, 2002.

Bilang sagot at aksyon ng alkalde ng naturang munisipalidad, ipinad-lock nito ang gusaling Pepe Caca, Georgetown Live Entertainment, Curacha, U-571 Club, Maligaya Club, Labs Kita KTV & Disco Bar at 392 Night Bar na pawang nagpapalabas ng bold shows na matatagpuan sa kahabaan ng Brgy. Calapandayan, Subic, Zambales.

Sa panayam ng PSN kay Ricardo Otero, Subic municipal administrator, ang aksyon ay alinsunod sa kanyang natanggap na ulat na lantarang bold shows sa nabanggit na mga establisimiyento kung saan kinumpirma mismo ng kanyang konsehal na si Rey dela Cruz ang naturang ‘show’ at bilang sagot din nito sa nailathala ng PSN.

Maging ang Subic-PNP sa pamumuno ni Sr./Insp. Jerry Sumbad ay nag-atas na rin sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng "monitoring" sa nabanggit na mga establisimiyento upang masigurong hindi na magpapalabas ng malalaswang panoorin ang mga nagmamay-ari nito.

Matatandaan na isinagawa ang pagpapasara sa mga nabanggit na KTV at diskuhan sa naturang lugar makaraang mailathala sa PSN ang lantarang pagpapasayaw ng hubo’t hubad ng mga kabataang babae na karamihan ay nasa edad 17 na nire-recruit ng isang nagngangalang Manny Arce mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

DISCO BAR

GEORGETOWN LIVE ENTERTAINMENT

JEFF TOMBADO

JERRY SUMBAD

LABS KITA

MALIGAYA CLUB

MANNY ARCE

METRO MANILA

NIGHT BAR

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with