4 Pentagon nasakote ng pulisya
July 14, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA, Apat na kasapi ng notoryus na "Pentagon" kidnap-for-ransom gang ang iniulat na inaresto ng pulisya sa isinagawang biglang pagsalakay sa magkahiwalay na bayan sa Zamboanga noong Biyernes at Sabado.
Kinilala ni P/Chief Supt. Bartolome Baluyo, PNP regional director, ang mga kidnaper na sina Rasid Talib, alyas Datu Puti, kumander ng MILF sa Katimugang bahagi ng bansa, Benjamin Salutan, Moner Abdul at Ricardo Troja.
Si Talib ay dinakip ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Polomolok sa South Cotabato at nakumpiskahan ng mga pampasabog, hindi mabatid na bilang ng bala, malalakas na kalibre ng baril at uniporme ng militar.
Samantala, si Salutanna pinaniniwalaang lider ng isang grupo ng Pentagon na nagsasagawa ng highway robberies, pagpatay at illegal drugs sa Katimugang isla ng Mindanao ay nasakote, kasama ang dalawang iba pa sa kanilang hideout sa bayan ng Malapatan, Sarangani noong Biyernes, Hulyo, 12, 2002.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest