^

Probinsiya

Vice-mayor na supporter ni GMA kinidnap

-
CAMP AGUINALDO – Dinukot ng pitong armadong kalalakihan ang isang milyonaryong vice-mayor ng Misamis Oriental at driver/ bodyguard nito habang nakikipaghuntahan sa ilang kaibigan sa kanyang farmhouse noong linggo ng gabi sa Brgy. Gumaok, Claveria, Misamis Oriental.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Vice-Mayor Bon Juan Ascuna Poe, 72, na nagmamay-ari ng 35 ektaryang sugar plantation sa naturang lalawigan at supporter ni GMA.

Bandang alas-8 ng gabi nang kidnapin ang biktima ng mga suspek na pinamumunuan ni Fernando Acosta, alyas Datu Macabali, lider ng tribong Higaonon.

Gayunpaman, naunang pinakawalan ang driber ni Poe upang ipagbigay alam ang pangyayari sa mga awtoridad ngunit makaraan ang labimpitong oras ay pinalaya rin ng mga tauhan ni Acosta ang biktima bandang ala-una ng hapon sa Brgy. Panampuan dahil sa nahintakutan sa isinasagawang pagtugis ng Claveria PNP station at tropa ng 9th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagdukot dahil sa hindi humingi ng anumang ransom ang mga kidnaper na pinaniniwalaang may kuneksyon sa rebeldeng New People’s Army (NPA). (Ulat nina Joy Cantos/Doris Franche)

BRGY

CLAVERIA

DATU MACABALI

DORIS FRANCHE

FERNANDO ACOSTA

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

VICE-MAYOR BON JUAN ASCUNA POE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with