^

Probinsiya

Barko lumubog, 12 nasagip, engineer nawawala

-
CEBU City – Labingdalawang crew ng isang cargo ship na may lulang 10, 000 sakong semento ang iniulat na naisalba. Samantala, nawawala naman ang chief engineer makaraang lumubog ang sinasakyang barko ng mga biktima sa karagatang sakop ng Brgy. Fatima, New Washington sa Aklan kahapon ng madaling-araw.

Ang mga naisalba ng Phil. Coast Guard mula sa lumubog na M/V Friendship 7 na may bigat na 135 tonelada ay sina Jovito Oveto, Delfin Lampitao, Enrico Marte, Edwin Cantina, Billy Magdadero, Rutchero Agwanta, Edgar Romarate, Arthur Veloso, Francisco Reponte, Michael Bonlao at Pablo Tuales at isang hindi pa nakikilala.

Base sa ulat na natanggap ng radio operator ng Phil. Coast Guard mula kay skipper Jovito Cotamura, nagkaroon ng engine trouble ang kanilang sinasakyang barko kaya pansamantalang itinigil ngunit unti-unting lumulubog dahil sa lakas ng alon at hangin.

Bago pa lumubog ang M/V Friendship ay nagsilundagan na ang 12 pahinante subalit ang chief engineer na si Servando Taveros ay nawawala at kasalukuyan pang hinahanap ng mga rescue team ng Phil. Coast Guard. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARTHUR VELOSO

BILLY MAGDADERO

COAST GUARD

DELFIN LAMPITAO

EDGAR ROMARATE

EDWIN CANTINA

ELLEN FERNANDO

ENRICO MARTE

FRANCISCO REPONTE

V FRIENDSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with