Trader itinumba dahil sa negosyo
November 25, 2001 | 12:00am
LAUR, Nueva Ecija Posibleng karibal sa negosyo ang naging ugat ng kamatayan ng isang trader makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang helper sa kahabaan ng Brgy. Pinagbayanan sa bayang ito kamakalawa.
Ang biktima na kilalang duck-raiser sa kanilang lugar ay si Alberto Moises, 56, may asawa ng Brgy. Cuarto, Laur, Nueva Ecija, samantala, ang kasama nitong helper na pinatakas ng biktima bago maganap ang krimen ay kinilalang si Teodoro Samano, 20, ng Brgy. Canontong.
Nabatid sa ulat ng pulisya, nakasalubong nina Moises at Samano ang suspek na may hawak na baril bandang alas-7 ng gabi at bago pa maganap ang pangyayari ay pinatakbo na ng nasawing biktima ang kasama nitong helper upang iligtas ang sarili sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest