4 NPA patay sa engkuwentro
October 6, 2001 | 12:00am
MACABEBE, Pampanga Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang napatay sa 30 minutong engkuwentro sa mga awtoridad kamakalawa ng umaga sa Sitio Mindanao, Brgy. San Esteban sa bayang ito.
Kinilala ni Supt. Kit Sinquian-operations chief ng Pampanga PNP ang dalawa sa apat na napatay na rebelde na sina Ka Nelson na pinaniniwalaang lider ng grupo at Ka Relly, habang ang dalawa ay nahulog naman sa ilog habang sakay ng bangkang de motor nang ito ay makipagbarilan sa mga awtoridad.
Isang sulat ang natagpuan sa katawan ni Ka Nelson na naglalaman ng puwersahang paghingi sa isang Paul de Jesus, may-ari ng fishpond ng revolutionary tax.
Ayon sa ulat ni Sinquian, na nagkaroon ng engkuwentro dakong alas-11:15 ng umaga habang ang mga pulisya na sakay ng bangkang de motor ay nagpapatrulya sa baybaying ilog nang mamataan nila ang mga rebelde.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga napatay na rebelde ang kanilang mga armas tulad ng kalibre. 45,mga magasin,apat na M-16, rifle grenade, handgrenade, cellphone at mga supersibong dokumento.
Walang nasugatan o nasawi sa panig ng pulisya habang ang bangkang de motor na ginamit ng mga rebelde ay nasa pangangalaga ng pulisya.(Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended