^

Probinsiya

MILF rebels di pa makababalik sa Camp Abubakar

-
CAMP ABUBAKAR, Maguindanao – Wala pa ni isa man sa mga lider ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nakakabalik sa kampong ito na nabawi ng tropa ng pamahalaan sa kasagsagan ng all out war ng pamahalaan noong nakalipas na taon.

Ayon kay Brig. Gen. Raul Relano, Assistant Commander ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na ang mga MILF ay paikot-ikot lang sa nasabing lugar at hindi pa sila nakakabalik.

Base sa nakalap na intelligence report ng militar na umaaligid lamang sa palibot ng Camp Abubakar ang nalalabing puwersa ng grupo nina MILF Chieftain Hashim Salamat, MILF Vice Chairman for Military Affairs Al Hadj Murad at iba pang lider ng kilusan.

Nabatid na ilan naman sa mga lider ng MILF ay pansamantalang nagbalikan sa kanilang mga tahanan sa ilang bayan ng Central Mindanao habang ang maliit na puwersa ay nasa kabundukan pa rin na madalas namamataang umaaligid sa palibot ng nasabing kampo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ASSISTANT COMMANDER

AYON

CAMP ABUBAKAR

CENTRAL MINDANAO

CHIEFTAIN HASHIM SALAMAT

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MILITARY AFFAIRS AL HADJ MURAD

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RAUL RELANO

VICE CHAIRMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with