Biyenan tinodas ng manugang
March 31, 2001 | 12:00am
MEYCAUAYAN, Bulacan Isang 30-anyos na lalaki na sinasabing sa simula pa lamang ay ayaw ng maging manugang, ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang sariling biyenan, habang ang una ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Calvario, sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa pinagdalhang pagamutan ay nakilalang si Romano Rosales, 30, ng nabanggit na lugar.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Rolando Buenaflor, 50, ng Daang bakal, Barangay Calvario, ng nasabi ring bayan.
Batay sa inisyal na ulat na tinanggap ni Bulacan PNP provincial director Supt. Emelito Sarmiento, nabatid na ang pamamaril ay naganap dakong alas-6:45 ng gabi makaraang magsadya ang suspect sa bahay ng kanyang manugang at datnan niya itong nakikipag-inuman sa ilang mga kaibigan.
Nagtaka umano ang mga kainuman ng biktima nang lapitan ito ng suspect at ilabas ang dalang baril at pagkaraan ay walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang kanyang manugang na nagresulta sa pagkamatay nito.
Nabatid sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya na sa simula pa lamang ay may tanim na ng galit ang suspect sa kanyang manugang.
Noon pa man umano ay tutol na tutol ito na maging asawa ng kanyang anak na nagtatrabaho sa Japan bilang entertainer, lalo na nang mabalitaan nito na kung saan-saan inuubos ng kanyang manugang ang perang ipinadadala dito ng kanyang anak.
Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended