^

Probinsiya

2 pulis, dinampot sa inarmalite na mag-lover

-
BASUD, Camarines Norte – Dalawang tauhan ng Provincial Police Mobile Group (PPMG) ang dinakip kahapon ng mga awtoridad kaugnay sa naganap na pagpaslang sa mag-lover sa loob mismo ng kanilang tinutuluyang bahay sa Barangay Langga, noong nakalipas na linggo.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng mga ito, gayunman sinasabing kapwa sila may ranggong SPO1.

Sa panayam ng PSN kay Senior Inspector Oscar Mase Sr., Basud chief of police na ang dalawang pinaghihinalaang suspect na pulis ay kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon sa loob ng PNP Provincial Headquarters. Isasailalim din ang mga ito sa paraffin test.

Ang dalawa ay dinakip matapos na magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ng dalawang biktima na sina Lourdes Trinidad, 18 at ang ka-live-in nito na si Roderick Yarte, 22, alyas Kuwatog.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na paghihiganti ang posibleng motibo sa isinagawang krimen.

Bago umano maganap ang pagpaslang sa mag-lover ay may sinampal na asawa ng pulis si Kuwatog sa isang pamilihang bayan sa Daet. Sa galit ng naturang pulis ay pinagbantaan nito ang buhay ni Kuwatog.

Sinabi naman ni Rosauro Trinidad, ama ng nasawing si Lourdes, lumalabas na hindi nagtatalik ang dalawa ng ito ay ratratin ng mga suspect, dahilan sa bali ang buto sa kaliwang braso ng kanyang anak, may pasa sa dibdib na hinihinalang nanlaban ito sa mga suspect. Nakita rin sa pinangyarihan ng krimen ang punit-punit na panty ng biktima na may hinalang sapilitang hinubaran ng mga suspect bago ipinatong sa hinubaran ding bangkay ni Kuwatog. (Ulat ni Francis Elevado)

BARANGAY LANGGA

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

KUWATOG

LOURDES TRINIDAD

PROVINCIAL HEADQUARTERS

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

RODERICK YARTE

ROSAURO TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with