14 Boy Scouts nakuryente; 3 patay
MANILA, Philippines — Labing-apat na Boy Scouts ang nakuryente na agad ikinasawi ng tatlo, naganap sa kanilang jamboree site sa Abong Abong sa Zamboanga City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawing Boy Scout na sina Kevin Iquid; Geoffrey Atillano; at Alvin Gaspar habang ang 11 ay isinugod sa ospital na ang tatlo dito ay nasa kritikal na kalagayan.
Ayon sa mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at mga opisyal ng Bureau of Fire Protection sa lungsod, ang mga biktima ay nakuryente nang tumama sa nakalaylay na power cable ng Zamboanga City Electric Cooperative ang kinakarga nilang tent na may mga metal materials na kanila sanang ililipat sa isang lugar sa kanilang camping area.
Nangako ng ayuda ang alkalde ng Zamboanga City sa mga pamilya ng mga nasawi at pagpapagamot naman ng iba pang biktima.
- Latest