BIR binalaan ang mga gumagamit ng pekeng PWD ID
MANILA, Philippines — Naglabas ng babala sa publiko ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paggamit ng pekeng PWD ID para maka-discount sa pagbabayad ng buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumaqui Jr., magsasagawa ng malawakang crackdown ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga nagbebenta at gumagamit ng pekeng person with disability identification cards.
Idinagdag pa ni Lumagui Jr., umabot na sa P88 bilyong buwis ang nawawala noong 2023 dahil sa tax evasion ng mga gumagamit ng pekeng PWD ID.
Ang mga ito anya ay nakakukuha ng 20 porsyentong discount at hindi pinagbabayad ng value added tax sa mga piling goods at services.
“People who sell and use fake PWD IDs are not only committing tax evasion, they are also disrespecting legitimate and compliant PWDs. The discount given by law to PWDs is for the improvement of their well-being and easing of their financial burden,” pahayag ni Lumagui.
- Latest