Pag-amyenda sa firearms and ammunition regulation act napapanahon na - Bato
MANILA, Philippines — Binigyan diin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang pangangailangan na maamyendahan na ang nasa 11-taon na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (Republic Act No. 10591), partikular para isulong ang responsible gun ownership at tiyaking ang pagkakaroon ng sapat na regulatory power ng pamahalaan sa paggawa at pagbebenta ng mga baril at bala.
Sa kanyang sponsorship speech sa inihaing Senate Bill No. 2895, sinabi ni Dela Rosa, chairman ng Senate public order and dangerous drugs committee, na ang pag-amyenda sa RA 10591 ay magbibigay-daan din upang higit na maging equitable at inclusive ang gun ownership sa bansa.
Kabilang sa nilalaman ng naturang panukalang batas ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa chief ng Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng isang kinatawan para sa pag-iisyu ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR), kasama na ang pagbibigay ng lisensiya at renewal nito sa paggawa at pagbebenta ng mga baril.
Isinusulong din ng SB 22895 ang pagdaragdag sa hanay ng mga indibidwal o professional na maaaring maging exempted sa requirement na pagkakaroon ng threat assessment certificate, kung saan kasama rin dito ang allied medical professionals at chief security officers ng financial at commercial institutions, at reservists. Nais din ng panukalang batas na ito na magkaroon ng fix validity ng license to manufacture and deal firearms sa loob ng sampung taon.
- Latest