^

Police Metro

Pinas ‘di gagamit ng dahas para pagmulan ng gulo sa West Philippine Sea – Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Pinas �di gagamit ng dahas para pagmulan ng gulo sa West Philippine Sea � Marcos
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on June 11, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bansa ay hindi gagamit ng dahas, hindi mananakot o gagawa ng pinsala at pananakit sa sinuman sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon pa kay Marcos, hindi magsisimula ng giyera ang Pilipinas at layunin ng gobyerno na magbigay ng isang mapayapa at masaganang buhay sa bawat Filipino.

“We are not in the business to instigate wars — our great ambition is to provide a peaceful and prosperous life for every Filipino. This is the drum beat — this is the principle that we live by, that we march by,” ani Marcos. Bumisita si Marcos sa punong tanggapan ng Western Command isang linggo matapos atakihin ng China Coast Guard ang puwersa ng Pilipinas na nagsasagawa ng rotation and reprovisioning (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa WPS.

Pinuri ni Marcos ang 80 sundalo na nakibahagi sa misyon ng RORE noong Hunyo 17 na kung saan isang service member ng Philippine Navy, na nakilala bilang Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo, ang malubhang nasugatan at anim na iba pang Navy men ang nasaktan sa “intentional high-speed ramming” ng CCG sa naganap na pag-atake.

Iginawad ni Marcos ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan kay Facundo, at Order of Lapu-Lapu Rank of Kamagi sa 79 iba pang tauhan ng militar na nakibahagi sa misyon.

Sinabi ni Marcos na nakaramdam siya ng “malaking kaginhawahan” nang makita ang mga sundalo na “nakabalik sa sariling lupa, ligtas at maayos”.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with