^

Police Metro

Plano ng mag-aamang Duterte na tumakbo sa senado, masyado pang maaga para pag-usapan – Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa politika at sa darating na eleksyon.

Ito ang reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ianunsyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio na tatakbo sa pagka-senador ang kaniyang amang si da­ting pangulong Rodrigo Duterte at mga kapatid na si Congressman Paolo at Davao City Sebastian o Baste.

Sinabi ng Pangulo na malaya ang sinuman na tumakbo at kumandidato sa darating na halalan kaya nasa pamilya Duterte na kung ano ang gusto nilang gawin.

“It’s a free country. They’re allowed to do whatever they want. I really have no reaction to it, and besides, it’s still early,” saad ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na wala siyang reaksyon sa plano ng mga Duterte dahil masyado pang maaga bukod sa matagal pa ang 2028 para sa pampanguluhang eleksyon.

Marami pa aniyang mga mangyayari hanggang sa 2028 at ang malinaw lamang sa ngayon ay ang darating na Oktubre na siyang pagsusumite ng kandidatura ng mga sasali sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na abangan na lamang sa Oktubre kung sinu-sino sa mga Duterte ang kakandidato at tatakbo para sa mas mataas na posisyon.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with