^

Police Metro

Kulong at perpetual disqualification sa opisyal na namimili ng bibigyan ng ayuda

Joy Cantos - Pang-masa
Kulong at perpetual disqualification sa opisyal na namimili ng bibigyan ng ayuda
A resident in Barangay 342, Manila received their cash aid on Wednesday (August 18, 2021).
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain kahapon ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na naglalayon na maipakulong at maparusahan ng perpetual disqualification ang mga opisyal ng pamahalaan na namimili sa pagbibigay ng tulong sa kanilang mga nasasakupan.

Ang House Bill, “An Act Penalizing Selective, Discretionary, and Discriminatory Acts in the Delivery of Cash, Livelihood, or Relief Assistance Programs of Local Government Units (LGUs)” ay magpapataw ng parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon at perpetual disqualification sa mga public official.

“Lagi nating naririnig ang problema na namimili si government official ng bibigyan niya ng ayuda mula sa gobyerno tuwing may kalamidad, pero wala namang nangyayari sa reklamo dahil walang napaparusahan dahil walang batas laban dito,” sabi ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, may mga pagkakataon na pinipili at inuuna ng mga lokal na opisyal ng gobyerno ang mga tatanggap ng mga programa ng tulong batay sa personal na konsiderasyon.

“Usong-uso ito sa ating bayan na pinipili lang ni opisyal ang bibigyan ng ayuda dahil hindi niya ito supporter,” ani Tulfo.

Naniniwala si Tulfo na ang ganitong kasuklam-suklam na gawain ay direktang paglabag sa accoun­tability at transparency sa government service.

Sinabi ni Tulfo na hihilingin niya ang suporta ng kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo upang maging mga co-authors ng naturang panukalang batas.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with