^

Metro

5 barangay sa QC “drug cleared” na - QCADAAC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang barangay sa Quezon City ang idedekla­rang drug cleared na batay sa ulat ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC).

Ayon kay QCADAAC co-chairman at Vice Mayor Gian Sotto bumaba na ang bilang ng mga drug related incidents sa QC na patunay na matagumpay ang malawakang information campaign at drug prevention program ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa taumbayan.

Aniya, ang tagumpay ng programa ay naging posible dulot ng walang humpay na pakikipagtulungan ng barangay, mga eskwelahan at iba pang stakeholder na mulat na rin sa negatibong epekto ng illegal drugs.

Sinabi ni Sotto na bagamat hindi maitatanggi na mayroon pa ring nagkalat na ilegal na droga sa QC pero batay anya sa rekord ng QCPD na ang karamihan sa mga nahuhuli at namomonitor na sangkot sa illegal drugs ay pawang mula sa ibang lugar.

Hindi muna ibinunyag ni Sotto ang 5 barangay na drug cleared na.

Batay sa rekord ng QC-ADAAC noong 2019, 30 barangay ang idineklang drug-cleared sa buong lungsod.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with