^

Metro

30 magulang tumanggap ng livelihood package, child labor wawakasan sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
30 magulang tumanggap ng livelihood package, child labor wawakasan sa Caloocan
Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at ng Department of Labor and Employment (DOLE), nakatanggap ng bigasan package ang 30 mga magulang ng mga dating child laborers.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Nasa 30 magulang ang nabigyan ng livehood package ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na layong wakasan ang child labor.

Katuwang ang  Public Employment Service Office (PESO) at ng Department of Labor and Employment (DOLE), nakatanggap ng bigasan package ang 30 mga magulang ng mga dating child laborers.

Ayon kay Malapitan, dapat na suportahan ang mga magulang ng mga child laborers sa lungsod upang hindi  na pagtrabahuhin pa ang kanilang mga anak na wala pa sa hustong gulang.

Aniya ang mga bata ay dapat na nag aaral at naglalaro at hindi nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya.

Sinabi ng alkalde na responsibilidad ng mga magulang na tiyakin ang kinabukasan at kapakanan ng kanilang mga anak kaya naman ang city government ang aalalay sa mga magulang upang tuluyan nang mapuksa ang child labor.

“Ang hiling ko po sa inyo, palaguin niyo po ang negosyong handog sa inyo. Hindi po para sa akin o para sa PESO o DOLE, kundi para po sa ikabubuti ng buhay ng inyong pamilya,” dagdag pa ng alkalde.

vuukle comment

DALE GONZALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with