^

Metro

‘Yes’ panalo sa plebisito sa Las Piñas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagtatakda ng territorial boundaries Pinaboran ng mahigit 41,000 residente ng Las Piñas City ang isang ordinansa na nagtatakda ng territorial boundaries sa may 20 barangay sa lungsod.

Base sa certificate of canvass (COC) na ibinahagi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa media kahapon, umaabot sa 41,493 o 67% ang mga residenteng bumoto ng “yes” sa plebisitong idinaos sa lungsod kamakalawa.

Samantala, nasa 19,498 lamang naman sa mga residente ang bumoto ng ‘no,’ nang tanungin ang mga ito kung pumapayag ba sila sa delineasyon ng hangganan ng mga teritoryo ng 20 barangay ng lungsod, alinsunod sa Ordinansang Panglungsod Bilang 1941-23, Serye 2023, na naipasa noong Abril 24, 2023.

Dahil dito, iprinoklama ng Comelec ang ordinansa na ratipikado at aprubado na.

“Nanalo po ang ‹yes,› and therefore epektibo na ang ordinansa tungkol sa pagliliwanag ng paghahati ng bawat barangay doon sa 20 barangays sa Las Piñas,” ayon naman kay Garcia, sa panayam sa radyo.

Nabatid na mula sa kabuuang 308,059 vo­ters sa lungsod, nasa 61,237 lamang ang bumoto sa plebisito o nasa 20% lamang, na labis namang ikinalungkot ni Garcia.

vuukle comment

COC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with