^

Metro

Lacuna sa brgy. officials: ‘Magtalaga ng GAD officers’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Tututok sa kababaihan, LGBTQIA+

MANILA, Philippines — Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga opisyal ng 896 barangay sa lungsod na magtalaga ng Gender and Deve­lopment (GAD) Action Officers na tututok sa usapin ng mga kababaihan at mga miyembro ng LGBTQIA+.

Ayon kay Lacuna, “Dito sa Maynila, walang iniiwan. Lahat kasama, lahat mahalaga.”

Kaugnay pa nito, umapela rin siya sa Manila Gender Sensiti­vity and Development Council na gumawa ng LGBTQIA+ registry, katulad ng ginagawa ng local government para sa kanilang residente na pawang mga persons with disability (PWDs) at senior citizens.

Aniya, sa tulong nito, maaari nang magpatupad at magmantine ng LGBTQIA+ Assistance Desk ng Registry, upang makapaglaan ng ispe­sipikong pondo para sa serbisyo at benepisyo para sa espesyal na pangangailangan ng nasabing sektor.

Inaasahang maisasama sa naturang registry ang mga nagtatrabaho, nag-aaral at may negos­yo sa Maynila.

Ayon pa kay Lacuna, dapat na tiyakin ng mga barangay authorities ang pagpapatupad ng City Ordinance sa LGBTQ protection at anti-discrimination o Ordinance No. 8695.

GAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with