^

Metro

Kelot na nag-amok, nagpaputok ng baril inaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng  iligal na droga ang inaresto  nang mag-amok at paputukan ng baril ang mga pulis ka­makalawa ng hapon sa  Parañaque City.

Isinailalim sa paraffin test ang suspek na si alyas “Errol”, ng Brgy. Sto. Niño, Parañaque habang inihahanda na rin ang patung-patong na kasong isasampa ng Parañaque City Police Sto. Niño Substation laban sa kanya.

Sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon nitong Huwebes nang arestuhin ang suspek sa Santos Compound, Brgy. Sto. Niño, Parañaque bunsod ng ­reklamong pagwawala at pananakot sa mga dumadaan.

Tiyempong nagpapatrolya ang mga tauhan ng Sto. Niño Sub-station at agad na tinungo ang suspek., isinumbong sa kanila ng concerned citizen ang ginagawang pagwawala ng suspek na agad namang pinuntahan.

Nang mamataan ang papalapit na mga pulis, kinuha ng suspek sa sling bag ang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Nagawa namang mapahupa ng tensyon at arestuhin ang suspek na nakumpiskahan ng isang kalibre .38 baril na walang serial number at kargado ng 3 bala; isang coin purse na may 6 na bala ng kalibre .38 at isa pang pouch na may a3 sachet ng shabu na may katumbas na halagang P20,400.00, at 2 pirasong P100 bills.

vuukle comment

STO. NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with