^

Police Metro

Pagsipa ng kaso ng leptospirosis naitala ng DOH

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong panahon ng tag-ulan ay patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue).

Ito ay matapos maob­serbahan sa Morbidity Week 24 (June 15, 2024), na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ay nanatili sa 878.

Nabatid na nasa kalahati lamang ito ng bilang ng mga kaso ng leptospirosis (1,769) sa parehong panahon noong nakaraang taon, naobserbahan ng DOH na ang lingguhang bilang ng kaso ay nagsimulang tumaas kasabay ng pag-ulan.

Ayon sa DOH, mula sa anim na kaso lamang na naitala noong Mayo 5-18, 60 kaso ang naitala noong Mayo 19 hanggang Hun­yo 1, na sinundan ng 83 kaso na naobserbahan mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 15. Maaari pa ring tumaas ang bilang ng kaso sa mga naantalang ulat.

Maliban sa mga rehiyon ng Zambonga Peninsula at Northern Mindanao, lahat ng rehiyon ay nagkaroon ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa nakaraang buwan. Naitala na ang 84 pagkamatay dahil sa nasabing sakit noong Hunyo 15.

Karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang 30 araw bago magkasakit pagkatapos masapul ng bacteria na nagdudulot ng leptospirosis.

Samakatuwid, ang mga tao ay dapat kumonsulta kaagad sa mga doktor pagkatapos na malantad sa tubig-baha dahil mayroong isang preventive antibiotic na reseta.

“Umiwas lumusong o maglaro sa baha para wag ma-Lepto. Kung hindi maiwasan ang paglusong, gumamit ng bota, at hugasan agad ang katawan ng malinis na tubig at sabon pagkatapos. Kumonsulta sa doktor, mahirap na,” sabi ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with