^

Police Metro

2 kidnaper ng estudyanteng Chinese, timbog

Ed Amoroso, Ludy Bermudo - Pang-masa
2 kidnaper ng estudyanteng Chinese, timbog
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez na nasakote ng mga miyembro ng Phi­lippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group at Taguig City Police Station (TCPS) ang mga suspek na sina Erwin Angeles, 30, construction worker; at Richard Mendoza, 36, sa Masipag St., Barangay Sta. Ana, alas-6:30 ng umaga.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang suspek na kumidnap sa isang estudyanteng Chinese national ang naaresto ng mga otoridad, kama­kalawa sa Taguig City.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez na nasakote ng mga miyembro ng Phi­lippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group at Taguig City Police Station (TCPS) ang mga suspek na sina Erwin Angeles, 30, construction worker; at Richard Mendoza, 36, sa Masipag St., Barangay Sta. Ana, alas-6:30 ng umaga.

Ang pag-aresto sa mga suspek ay kasunod nang reklamo ng kanilang biktima na kinilalang si Honsen Liu, 19.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakilala ng biktima noong Lunes sa isang online chat mate ang isang babae na si alyas “Izzy” at dito nagtungo ang una sa isang apartment sa Barangay Sta. Ana, kung saan dito siya dinukot ng mga suspek.

Nakipagkasundo ang mga suspek ng ransom na P5 milyon sa ama ng biktima sa pamamagitan ng messaging app na WeChat ngunit kalaunan ay pumayag na ibaba ang halaga sa P1.1 milyon.

Inatasan ng mga suspek ang ama ng biktima na dalhin ang ransom sa isang mall sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Matapos makuha ang ransom, ibinaba ng mga suspek ang biktima sa isang lugar sa Angono, Rizal at Ibinalik ng isa sa mga suspek sa biktima ang kanyang cellphone bago ito iniwan.

Nakabalik ang biktima sa kanyang bahay sa Maynila at humingi ng tulong sa Manila Police District, at pagkatapos ay itinurn-over ang kaso sa TCPS.

Nagsagawa ng ope­ration ang pulisya at naaresto ang dalawang suspek habang ang tatlo na nilang kasama kabilang ang isang alyas na Izzy ay isinailalim sa manhunt operation.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with