Marcos may napili nang kapalit ni Sara sa DepEd
MANILA, Philippines — May napili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ni Marcos sa isang ambush interview sa Maynila na iaanunsiyo niya bago matapos ang linggo kung sino ang kapalit ni Sara.
“I will probably be able to, I would like to be able to announce the appointment of the DepEd Secretary by the end of the week,” ani Marcos.
Hindi rin aniya dapat na iwanang bakante ang DepEd dahil napakalahagang departamento ito.
Sinabi rin ni Marcos na wala namang ibinigay na rason si Duterte sa pagbibitiw sa puwesto bilang kalihim ng DepEd at pagiging vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Matatandaan na naghain ng resignation letter si Duterte-Carpio noong Hunyo 19, 2024 at magiging epektibo ito sa Hulyo 19, 2024.
- Latest