^

Police Metro

Barangay kagawad todas sa sariling baril

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang barangay kagawad nang pumutok ang baril na itinutok sa kaniyang bibig sa harap ng mga kainuman sa isang piyesta, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tambo Kulit, Indang, Cavite.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Bonne Noel, nasa hustong gulang, incumbent barangay kagawad ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-7:35 ng gabi ay nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nito sa dinaluhang piyesta.

Sa labis umanong kalansingan ay inilabas nito ang kaniyang kalibre 45 baril upang ipakita sa mga kainuman at inalis ang magazine.

Dito ay itinutok ito sa kaniyang bibig at kinalabit subalit hindi pumutok at sa ikalawang pagkakataon ay kinalabit uli at pumutok dahilan para sumabog ang bibig.

Agad namang naitakbo ang biktima sa Poblete Hospital, subalit idinekla­rang dead on arrival.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with