^

Police Metro

Mag-live in partner, pinatay sa condo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Lalaki inihulog pa mula sa 6th floor…

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan sa isang condominium building sa Davao City ang isang mag-live in partner na dumayo lang sa lugar para manood umano ng concert na kung saan ang lalaking biktima ay inihulog pa mula sa ikaanim na palapag ng gusali.

Bukod sa siyam na saksak sa katawan, wasak din ang mukha ng biktimang si Jeff Predas, ng Parañaque habang nagtamo rin ng mga saksak si Jennifer Chavez, ng Cavite City.

Bumisita ang mga biktima upang manood ng concert na “We the Kings” sa SMX Lanang.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na umupa ng condo unit na nasa ikatlong palapag si Chavez, alas-11:00 ng tanghali habang dumating naman si Predas, alas-6:00 ng hapon.

Ayon kay Davao City Police Office (DCPO) Director PCol. Richard Bad-ang, na intact ang mga gamit ng mga biktima kabilang ang pera at IDs.

“One of the motives that we are looking at is the crime of passion and anger isa. Why is it ang lalaki may stab wounds kung nahulog man siya dito sa 6th floor kasi may nakitang fingerprint at may nakitang bakas ng dugo it seems nandon siya nahulog. However ‘yung paakyat sa 6th floor from the room [sa third floor] wala kang makikitang traces ng dugo. It seems may gumawa ng krimen binuhat ang lalaki at hinulog doon sa baba,” dagdag pa Bad-ang.

Nabatid kay Bad-ang na may dalawa silang persons of interest sa krimen. Isa rito ang nag-book ng condo na humarap na sa pulisya.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with