^

Police Metro

Brgy. kagawad todas sa ambush

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang barangay kagawad matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek noong Miyerkules sa La Castellana, Negros Occidental.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Jacolbe, 49, residente ng Sitio Tayubong, Barangay Puso ng naturang bayan.

Sa report ng La Castellana Municipal Police Station, alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sitio Canorong, Barangay Puso, ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang sakahan at pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga suspek na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na na­ging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen ay nakapulot sila ng mga basyo mula sa caliber 9mm at caliber .45.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with