^

Police Metro

Cedric Lee sumuko sa NBI

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kusang-loob na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ng gabi ang negosyanteng si Cedric Lee matapos mahatulang guilty at patawan ng ‘reclusion perpetua’ o habambuhay na pagkakabilanggo kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng Showtime tv host na si Vhong Navarro.

Si Lee ay dinala ng NBI agents sa Mandaluyong City dakong alas-7:30 ng gabi pero inilipat din ito sa tanggapan ng nasabing ahensiya sa Quezon City bandang alas-8:00 ng gabi kung saan ito isinailalim na sa kustodya.

Sinabi ni Lee na nagdesisyon siyang sumuko sa NBI habang inihahanda ng kaniyang mga abogado ang kaniyang mosyon para iapela ang hatol sa Court of Appeals.

Aniya, mas mabuting makulong kaysa magtago sa batas dahilan dito’y makakausap niya ang kaniyang mga mahal sa buhay at maging ang kanilang mga abogado.

Nitong Huwebes, hinatulan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 si Lee kasama ang model na si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz ng guilty kaugnay ng illegal detention with ransom sa TV host at actor na si Navarro noong 2014 kapalit ng ransom na isang paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code.

Inatasan din ng korte na bayaran si Navarro ng P100,000 sa civil indemnity; P100,000 moral damages at P100,000 bilang exemplary da­mages habang wala ring ini­rekomendang bail bond sa pansamantalang kalayaan.

vuukle comment

CEDRIC LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with