^

Police Metro

2 itinumba dahil sa droga sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao na ang isa ay babae ang pinagbabaril sa isang construction site ng ginagawang tulay sa Palapala bridge, Brgy. San Agustin 1, Dasmariñas City, Ca­vite, kahapon ng mada­ling araw.

Inilarawan ang dalawang biktima na isang lalaki na nakasuot ng gray jacket, gray shorts at may taas na 5’2 habang ang isa ay babae na nakaitim na jacket, camouflage na short at may taas na 4’11.

Sa imbestigasyon, alas-2:30 ng madaling araw nang makarinig nang sunud-sunod na putok ang ilang trabahador ng construction site sa ginagawang tulay sa Palapala  ng nasabing lugar.

Itinawag ito sa pulisya na pagdating sa lugar ay nakita ang dalawang duguang biktima na nakahandusay na kapwa may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober sa mga ito ang 1 cal 38 revolver, sachet na naglalaman ng shabu, timbangan ng droga at mga drug paraphernalias.

Sinisilip ng pulisya ang posibleng onsehan sa droga ang motibo ng pagpatay sa dalawa.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with