4 tiklo sa P145.5 milyong shabu sa Zambo
MANILA, Philippines — Apat na drug suspect ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Sallam Drive, Brgy. Mampang, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Wilson Sahiban, 25; Junjimar Hajili Aiyob, 29; Jimmy Sahibol, 30; at Abdurahman Abdulhakim, 27 at nakumpiska sa kanila ang nasa 21 kilong shabu na aabot sa halagang P145.5 milyon.
Ayon kay Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-9) hindi na pumalag pa ang mga suspek nang sila ay arestuhin at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest