Tattoo bawal na sa PNP
MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng tattoo sa mga police applicant habang kailangan namang ipabura ng mga kasalukuyang pulis ang kanilang mga visible na tattoo.
Ito ang sinabi ni PNP-Public Information Office (PIO) chief Police Col. Jean Fajardo na batay sa ilalim ng memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong Marso 19, 2024, ang mga uniformed, non-uniformed police gayundin ang civilian police ay kinakailangang magpabura ng kanilang tattoo na nakikita.
Ayon kay Fajardo, kailangan ding magsumite ng affidavit ang isang pulis upang ideklara ang mga tattoo niya na hindi nakikita at kailangan huwag na itong dagdagan sa anumang parte ng kanyang katawan.
Kabilang sa mga tattoo na pinapatanggal ay ang tinatawag na extremist tattoos, ethnically o religiously discriminatory, offensive tattoos, indecent tattoos, acist tattoos at sexist tattoos.
Hindi naman sakop ng kautusan ang mga aesthetic tatoos kabilang ang eybrows, eyeliner at lip tattoo.
Ang sinumang pulis na tatanggi sa polisiya ay mahaharap sa kasong administratibo.
Bawal na ring pumasok ang mga police applicant na mayroong tattoo at bibigyan sila ng tatlong buwang palugit upang tanggalin ang kanilang tattoo.
- Latest